--Ads--

Posibleng lumampas sa target na 2% hanggang 4% inflation range ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang pagtaas ng presyo ngayong taon dahil sa pagsirit ng global oil prices dulot ng tensyon sa Middle East.

Ayon kay Michael Ricafort ng Rizal Commercial Banking Corporation, maaaring higitan ng inflation ang 4% ceiling dahil sa domino effect ng mahal na fuel sa pamasahe, sahod, at bilihin.

Sinabi niya na ang mataas na presyo ng langis ay magdudulot ng “second-round effects” o mas malawak na pagmahal ng mga produkto at serbisyo.

Sa kasalukuyan, pumapalo na sa halos $100 kada bariles ang presyo ng langis, habang inaasahan ding tataas nang malaki ang diesel at gasolina sa susunod na linggo.

--Ads--

Binigyang-diin ni Ricafort na maaaring magpatupad ng targeted subsidies ang pamahalaan, habang posibleng mag-adjust muli ng polisiya ang BSP upang mapigilan ang pagtaas ng inflation.