Tinatayang aabot sa P500,000 ang initial damages sa natupok na poultry dressing plant sa Barangay Garit Sur, Echague, Isabela.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay SFO2 Leomar Martin Parallag ang Fire Safety Enforcement Section Chief ng BFP Echague sinabi niya na, ang nasunog na dressing plant ay matatagpuan sa Barangay Garit Sur, Echague Isabela.
Unang nakatanggap sila ng tawag mula sa concerned citizen na agad naman nilang nirespondehan.
Aniya may kalakihan na ang apoy ng dumating sila sa planta at dahil sa tingin nila ay hindi kakayanain ng tatlong fir truck nilang dala ang pag apula dito ay humingi na sila ng augmentation mula sa BFP San Guillermo.
Batay sa kanilang pagsisiyasat ang posibleng dahilan ng sunog sa lumang plnata o record section ay electrical kaya sinisilip nila ngayon kung may mga naiwang nakabukas sa gamit bago naganap ang sunog.
Dahil sa karamihan sa mga nakaimbak doon sa papel mabilis na kumalat ang apoy, mapalad na wala ng ibang nadamay na gusali dahil sa firewall nito.
Unang napansin umano ng ilang empleyado na may usok na nagmumula sa line 1 na katabi lamang sa crate section at dahil malaki na ang apoy ay hindi na iton nagawang apulahin gamit ang fire extinguisher sa planta.
Sa ngayon ang initial estimate damage sa planta ay 500,000 pesos subalit inaasahang madadagdagan pa ito habang isinasagawa ang imbestigasyon.
Inabot naman ang humigit kumulang isang oras bago ito tuluyang idineklarang fireout.
Batay sa BFP ito ang unang fire incident na kanilang naitala ngayong Fire Prevention Month sa Bayan ng Echague, Isabela kaya naman labis ang kanilang paalala sa publiko na tiyaking sumunod sa paraan pangkaligtasan para makaiwas sa sunog.