--Ads--

Hindi isinasantabi ng Local Government Unit of San Mateo ang anggulong inside job sa pagnanakaw sa apat na computer unit ng kanilang Rural Health Unit.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Municipal Mayor Atty. Gregorio Pua, sinabi niya na sa ngayon ay wala pang natutukoy na saksi na maaaring makapagturo sa mga suspek na nanloob sa RHU.

Kasalukuyan nang gumugulong ang imbestigasyon ng PNP San Mateo subalit hindi inaalis ang angulo ng inside job lalo at may mga naitalagang POSU member bilang guwardiya nang maganap ang insidente.

Upang maagapan ang mga ganitong pangyayari sa mga opisina ng Pamahalaan ay pinag aaralan nila na alisin na sa serbisyo ang dalawang POSU guard at mag-hire na lamang ng mga lehitimong guwardiya.

--Ads--

Sisilipin din nila ngayon kung kinakailangan nang taasan ang kwalipikasyon para sa mga POSU member sa ilalim ng job order.