CAUAYAN CITY – Kasabay ng ika-43 taong anibersaryo ng 5th Infantry Division Philippine Army ay nabigyan din ng pagkilala ang mga sundalo, units at stakeholders na may mahalagang ambag sa paggampan ng kanilang tungkulin.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Maj. Rigor Pamittan, Division Public Affair Office Chief ng 5th ID, sinabi niya na kabilang sa mga nabigyan ng pagkilala ang ilang mga sundalo na nanguna sa military operations at administration habang ang iba ay nakatanggap naman ng iba pang pagkilala.
Tumanggap din ng pagkilala ang 501st Infantry Brigade, 103rd Infantry Batalion, ang mga Punong Lalawigan ng Kalinga at Apayao, ang regional director ng National Inteligience Coordinating Agency 1 at 2, ang head teacher ng Alannay Elementary School, Isabela State University, Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity, Sambayanan Cagayan Valley at Latawan Christian Farmers Association.
Inaasahan ding tatalakayin ni Philippine Army Commander General Lt. Gen. Roy Galido sa mga opisyal ng 5th ID ang mga kasalukuyan at hinaharap na misyon ng kanilang hanay pangunahin na ang pagsugpo sa mga nalalabing miyembro ng Guerilla front sa Hilagang Luzon at territorial defense ng bansa.