--Ads--


Bumaba ng 2.04% ang kabuuang investment approvals sa Pilipinas noong 2025 at umabot sa P1.92 trilyon, ayon sa Philippine Statistics Authority.


Gayunman, malaki ang itinaas ng mga naaprubahang pamumuhunan sa ikaapat na quarter na pumalo sa P1.1 trilyon—193.8% mas mataas kumpara sa kaparehong panahon noong 2024. Karamihan ay mula sa mga Pilipinong mamumuhunan na umabot sa P990 bilyon o 90.6% ng kabuuan.


Inaasahang makalilikha ang mga proyektong ito ng 48,227 trabaho, mas mababa ng 13.6% kumpara noong nakaraang taon. Pinakamalaking bahagi ng investments ay napunta sa electricity, gas at air conditioning supply (P991.61 bilyon), sinundan ng real estate, transportasyon at manufacturing.


Sa hanay ng mga ahensya, nakapagtala ng P1.56 trilyon na approvals ang Board of Investments, habang pumangalawa ang Philippine Economic Zone Authority na may P260.89 bilyon—ang pinakamataas nito mula 2016.

--Ads--