--Ads--

Papaimbestihan ng City of Ilagan Council ang isang investment company na hindi umano’y awtorisado Security and Exchange Commission (SEC) na mangolekta ng investment sa naturang siyudad.

Sa naging priveleged speech ng Sangguniang Panlungsod Member Rolly Tugade, aniya nais nitong paimbestigahan ang Fedelity Capital Investment Group (FCIG) na paghikayat sa nasabing investment company sa publiko na mag-invest sa kanilang investment training project para maprotektahan ang mga interes ng Ilagueño lalo pa at mayroong mga residente ng siyudad ng Ilagan ang nahikayat na nakapag-invest sa nasabing investment training.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, nauna ng naglabas ang SEC ng advisory sa publiko na pinag-iingat ang mga ito hinggil sa pag-invest sa kanilang mga passive income sa nasabing investment.

Dahil nababanggit ng senate na hindi ito awtorisado o lehistrado na investment company.

--Ads--

Ang nasabing investment company ay itinatag ni Jonathan Brook o mas kilalang Professor Brook na di umano’y nagsasagawa ng investment training sa Australia na kung saan mayroon itong mga local counterpart sa bansa na nag-ooperate sa kanilang opisina sa barangay Upi, Gamu, Isabela.

Samantala, nagbigay rin ng pagpapahayag si Sangguniang Panlungsod Member Kit Bello, matapos na personal na atakihin ito ng isa sa mga nangunguna sa operasyon ng FCIG na isang group picture sa pamamagitan ng kanyang post sa social media na kung saan inakusahan pa ang opisyal na di umanoy korapsyon.

Sa naging bahagi naman ng pagpapahayg ni Vice Mayor Jay Eveson Diaz, aniya sa ngalan ng due process inaasahan naman ipapatawag sa sususnod na sesyon ang mga nag-oordanisa sa naturang investment training upang makapagpaliwanag gayun na din ang mga kinauukulang ahensya hinggil sa usapin ng nasabing investment company.