--Ads--

Kinumpirma ng kampo ng aktres at komedyanteng na si Rufa Mae Quinto na ibinasura na ng korte ang kasong isinampa laban sa kanya kaugnay ng umano’y paglabag sa Securities Regulation Code kaugnay ng Investment Scam Case ng aktres.

Matatandaang noong Disyembre 2024, naharap si Rufa sa 14 counts na paglabag sa Sec. 8 ng Securities Regulation Code, na may kaugnayan sa kanyang pagiging endorser ng isang skincare company na inakusahan ng ilegal na pag-aalok ng investments.

Ayon sa kanyang abogado na si Atty. Mary Louise Reyes, si Quinto ay isang brand ambassador lamang at hindi sangkot sa anumang panloloko. Sinabi rin ni Reyes na si Quinto ay isa ring biktima, dahil hindi siya nabayaran at tumalbog ang mga tsekeng ibinigay sa kanya ng kumpanya.

Noong Enero 8, 2025, boluntaryong sumuko si Quinto sa National Bureau of Investigation (NBI) pagdating niya mula sa Estados Unidos.

--Ads--

Nagpiyansa siya ng kabuuang ₱1.7 milyon para sa 14 counts ng kaso at tumangging umamin sa mga paratang.

Sa ngayon, wala pang pahayag ang Securities and Exchange Commission (SEC) kaugnay ng desisyong ito ng korte.