Ipinagdiwang ng Cauayan City ang National Tourism Month sa pamamagitan ng isang makulay na selebrasyon na ginanap ngayong araw, tampok ang opisyal na launching ng Travel Mark ng lungsod.
Layon ng aktibidad na palakasin ang turismo at kilalanin ang lokal na kultura, produkto, at sining ng mga Cauayeño.
Dinaluhan ito ng 36 na establishments, bitbit ang kani-kanilang mga promotional materials upang itampok ang mga iniaalok nilang serbisyo at produkto. Kabilang dito ang mga travel agencies at mga lokal na negosyong may accreditation, na layong hikayatin ang mas maraming turista na bisitahin ang lungsod.
Isa sa mga tampok ng programa ang fashion show na nilahukan ng mga estudyante mula sa Isabela State University (ISU), suot ang mga kasuotang gawa mula sa tradisyonal na weaving ng Cauayan.
Dumalo rin sa selebrasyon si Princess Diane Tutaan, ang kinatawan ng Cauayan City sa nalalapit na Miss Tourism Philippines na gaganapin din mismo Dito sa lungsod ng cauayan.
Ang selebrasyon na magtatapos bukas ay bahagi ng mandato ng lungsod na taun-taong pagdiriwang ng Tourism Month na naglalayong bigyang-pansin ang kahalagahan ng turismo bilang bahagi ng lokal na pag-unlad.
--Ads--











