--Ads--

Arestado ang isang Indigenous Peoples Mandatory Representative o IPMR member ng Aurora Provincial Board at kanyang staff sa isang entrapment operation sa Baler, Aurora.

Kinilala ng Baler Municipal Police Station ang mga suspek na sina Randy Ogian Salo at secretary nitong si Ronalyn Esteban Pasagian.

Isinagawa ang operasyon nitong Setyembre 18 sa isang restaurant sa Barangay 1, Baler, kaugnay ng reklamo sa umano’y iregularidad sa bayad para sa transportation services na ginamit noong 2025 Indigenous Peoples Day.

Ayon sa pulisya, nahuli si Salo matapos umanong tanggapin ang 260-thousand pesos na bayad, na agad namang nabawi ng mga operatiba.Patuloy ang imbestigasyon sa insidente at sa posibleng pananagutan ng mga sangkot.

--Ads--