--Ads--
Isang hacking group na may kaugnayan umano sa Iran na Handala ang umako sa cyberattack laban sa US medical technology company na Stryker, at sinabing nakakuha sila ng humigit-kumulang 50 terabytes ng data. Ayon sa grupo, ginawa nila ito bilang ganti sa umano’y pag-atake sa Minab kung saan mahigit 150 katao ang nasawi.
Kinumpirma ng Stryker na nakaranas sila ng global network disruption sa kanilang Microsoft environment dahil sa cyberattack, ngunit sinabi nilang walang indikasyon ng ransomware o malware at kontrolado na ang sitwasyon.
Sinabi rin ng Handala na bahagi ito ng mas malawak na cyber campaign na may kaugnayan sa tensyon sa Gitnang Silangan at nagbabala na ito pa lamang ang simula ng bagong yugto ng cyber warfare.











