--Ads--

Inatake ng mga Iranian explosive-laden boats ang dalawang fuel tankers sa karagatang sakop ng Iraq, na nagdulot ng sunog at pagkamatay ng isang crew member.

Nangyari ito matapos tamaan ng mga projectiles ang tatlong barko sa Gulf waters.

Ang mga target na barko ay ang Marshall Islands-flagged Safesea Vishnu at ang Zefyros, na parehong nagkarga ng fuel sa Iraq. Natagpuan na ang bangkay ng isang crew member habang patuloy na pinaghahanap ng Iraqi rescue teams ang iba pang nawawala.

Ayon sa ulat, ang Zefyros ay nakarehistro sa Malta at may listahan ng mga crew members. Ang mga tankers ay nagmula sa Umm Qasr port sa southern Iraq, Basra province, at inatake agad pagkatapos nilang umalis sa pantalan.

--Ads--

Tinukoy ng Iraqi officials ang insidente bilang malinaw na paglabag sa soberanya ng bansa. Ginagamit umano ng Iran ang mga unmanned explosive-laden vessels sa pagpigil nila sa pagdaan ng oil shipments sa Strait of Hormuz, sa gitna ng tensiyon sa pagitan ng United States at Israel laban sa Iran.

Ayon sa ulat, nakapaglagay na rin ng naval mines ang Iran sa Strait of Hormuz, habang tinarget naman ng US forces ang 28 Iranian mine-laying vessels bilang babala sa posibleng banta sa pandaigdigang shipping.