
CAUAYAN CITY – Isa ang patay, dalawa ang nasugatan sa naganap na aksidente sa daan kagabi sa national highway sa Nappaccu Pequeno, Reina Mercedes, Isabela.
Ang sangkot sa aksidente ay isang Yamaha Sniper na walang plaka at minaneho ni Julius Caesar Cenardo, 19 anyos at angkas si Lawrence Refanie, 13 anyos, kapwa nasugatan at residente ng Dalig, Burgos, Isabela.
Ang nasawi ay ang nabangga ng motorsiklo na si Noli Calimlim, 48 anyos, painter at residente ng Tallungan, Reina Mercedes, Isabela.
Lumabas sa imbestigasyon ng Reina Mercedes Police Station na binabagtas ng motorsiklo ang daan patungong Cauayan City, nang mabangga si Calimlim na tumatawid sa daan.
Nagtamo ng malalang sugat sa katawan si Calimlim at isinugod ng Rescue 922 sa isang pibadong ospital ngunit idineklarang dead on arrival ng attending physician.
Dinala naman sa Cauayan District Hospital (CDH) ang mga nasugatan na sina Cenardo at Refanie.




