Isa patay, isa ang nasugatan nang bumangga sa puno ang sinasakyang motorsiklo
CAUAYAN CITY – Patay ang isang lalaki makaraang bumangga sa isang punong-kahoy ang sinasakyang motorsiklo sa barangay Namillangan, Alfonso Lista, Ifugao.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi SPO4 Osio Toribio ng Alfonso Lista Police Station nakilala lamang sa pangalang Burnoc ang namatay sa aksidente habang nasugatan ang isa pang sakay ng motorsiklo na si Reymund Galera na residente ng barangay Guam, San Guillermo, Isabela.
Hindi mabatid ng pulisya kung paano ang nangyari sa dalawa makaraang makitang bumangga ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa isang punong-kahoy sa gilid ng kalsada sa Namillangan, Alnfonso Lista, Ifugao.
Dinala sa pagamutan ang dalawang biktima ngunit idineklarang dead on arrival ang nagngangalang Burnoc habang ginagamot si Galera sa isang pagamutan sa Alfonso Lista.




