CAUAYAN CITY – Nasugatan ang isang tsuper matapos na mabangga ng isang sasakyan ang sinasakyan niyang motorsiklo sa Raniag, Ramon, Isabela.
Ang nasugatan ay si Artemio Ancheta, residente ng Raniag, Ramon, Isabela habang ang tsuper ng Toyota Innova ay si Edmund Leantilio, residente ng Ambatali, Ramon, Isabela.
Ang dalawang sasakyan ay parehong patungo sa Hilagang direksiyon nang biglang lumiko ang motorsiklo na naging dahilan para mabangga ng sasakyang minamaneho ni Leantilio.
Nagtamo ng sugat si Ancheta na agad dinala sa pagamutan ng mga tumugong kasapi ng Rescue Team.
Lumabas sa pagsusuri na nasa impluwensya ng alak si Anchetana agad ding nakalabas sa ospital nang malapatan ng lunas.
Patuloy ang paalala ng mga kasapi ng Ramon Police Station sa mga motorista na iwasang magmaneho kapag nasa impluwensya ng alak.