--Ads--

CAUAYAN CITY- Sugatan ang isang tricycle driver matapos na makabanggaan ang isang van sa Barangay Dagupan San Mateo, Isabela.

Ang biktima ay nakilalang si Amorlito Dumlao na residente ng Villa Fuerte,San Mateo, Isabela habang ang driver ng van ay si Aurello Bernadez, na mula sa Sta. Cruz Manila.

Batay sa pagsisiyasat ng PNP San Mateo nag U-turn ang tricycle sa kalsadang sakop ng Barangay Dagupan.

Napunta ang tricycle sa kabilang linya ng kalsada dahilan para mabangga ito ng van na papunta sana sa town proper.

--Ads--

Bilang resulta ay nagtamo ng sugat ang tricycle driver na agad dinala sa pagamutan ng mga rumespondeng rescuer.

Ayon sa anak ng driver ng tricycle na si Amorlito Dumlao Jr. ihahatid lamang sana sa kaniya ng kaniyang tatay ang naiwan niyang cellphone ng maganap ang aksidente.