--Ads--

Umaasa ang Isabela Consumers Watch Incoporated na magkakaroon ng pagbabago sa pamunuan ng Isabela Electric Cooperative o ISELCO 2 pangunahin na ang pagbabalik sa pera ng mga member consumers sa mga susunod na araw.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginoong Raffy Jacinto, Pangulo ng Isabela Consumers Watch Incoporated  na batay sa kanyang napag-alaman itinalaga o ini-appoint bilang Acting General Manager si Engineer Erni Baggao.

aniya matagal nang naging Board President si Engineer Baggao ng ISELCO 2 at alam nito ang pasikot-sikot sa kooperatiba.

Umaasa  ngayon ang Isabela Consumers Watch Incoporated sa bagong talagang Acting General Manager ng ISELCO 2 at mga board of Director na magkakaroon ng magandang pagbabago sa loob ng kooperatiba.

--Ads--

Inihayag pa ni Ginoong Jacinto na hinihintay pa ang resulta ng pag-audit ng National Electrification Administration o NEA sa ISELCO 2 dalawang buwan na ang nakakaraan.

Humihingi pa rin anya ng extension ang ISELCO 2 sa kanilang kasagutan.

Umaasa si Ginoong Jacinto na magbibigay ng bagong upong Acting General Manager ng ISELCO 2 at mga board of Directors ang resulta ng Audit report ng NEA sa naturang kooperatiba.

Mahalaga aniyang matugunan ng bagong pamunuan ng ISELCO 2 kung paano maibalik sa mga member-consumer ang kanilang pera na 165 million pesos na share capital.

Umaasa rin ang mga member consumers na makakuha ng mas mababang power supplier ang ISELCO 2 upang mapababa ang singil sa kuryente.