--Ads--

Kabilang si Isabela Governor Rodolfo “Rodito” Albano III sa mga miyembro ng League of Provinces na nagpahayag ng buong katapatan at suporta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kabila ng mga kinakaharap na problema ng bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Albano na bukod sa pagbibigay ng suporta, natalakay din sa pagpupulong ang mga isyung gaya ng Anti-Dynasty Bill, Law on Political Parties, at mga amendments sa Local Government Code partikular sa Mandamus ruling, kasama ang iba pang mahahalagang resolusyon.

Nilinaw ni Albano na ang kanilang Courtesy Call sa Pangulo ay bahagi ng paghahanda sa anumang posibleng pangyayari, ngunit hindi na idinetalye kung may nilulutong destabilization plot laban sa administrasyon.

Sa usapin ng Anti-Dynasty Bill, bilang kasapi ng isang malaking political clan, tiniyak ni Albano na susunod siya sa kagustuhan ng nakararami at sa anumang nakapaloob sa isinusulong na batas ni House Speaker Bojie Dy.

--Ads--