--Ads--

Binigyang-linaw ni Gov. Rodolfo “Rodito” Albano III na may mga indibidwal na gumagamit ng kanyang pangalan upang manghingi ng pera at iba pang bagay na may kaugnayan sa pera.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Gov. Albano ng lalawigan ng Isabela, sinabi niyang may mga tumatawag umano sa Kapitolyo at nagpapakilalang siya upang makahingi ng pera. May ilan din aniyang gumagamit ng Viber kung saan inilalagay ang kanyang pangalan ngunit ibang cellphone number ang ginagamit sa pakikipag-ugnayan.

Iginiit ng gobernador na hindi siya kailanman nanghingi ng pera kaninuman, kahit pa may pangangailangan siya.

Ayon pa sa kanya, marami na ring nabibiktima ng naturang modus, kabilang ang kanyang mga department head at mga ilang alkalde sa lalawigan.

--Ads--

Panawagan ni Gov. Albano sa publiko na tiyaking beripikado at suriing mabuti ang pagkakakilanlan ng mga tumatawag o nagme-message bago magbigay ng anumang pera upang hindi mabiktima ng naturang scam.