CAUAYAN CITY- Patuloy ang ginagawang pagtutok ng Isabela Police Provincial Office sa mga lugar na inaaasahang dadagsain ng publiko ngayong holiday season.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Scarlette Topinio, Tagapagsalita ng IPPO, sinabi niya na bago pa man magsimula ang misa de gallo ay nakapagsagawa na ang kanilang hanay ng ilang conferrences na may kaugnayan sa mga security measures at deployment ng PNP personnel sa mga strategic areas gaya ng simbahan, terminals at mga pook pasyalan.
Sa ngayon ay wala pa namang naitatala ang kanilang hanay ng mga holiday related incidents kaya naman patuloy ang kanilang paalala sa publiko na iwasan ang pag-inom ng mga nakalalasing na inumin upang maiwasan ang mga aksidente sa daan.
Naging mapayapa rin umano ang ikaanim na araw ng Misa De Gallo sa lalawigan ng Isabela.
Mahigpit din ang monitoring ng IPPO sa mga Fire Cracker zone kung saan ini-inspect nila kung sumusunod ba sa panuntunan ang mga nagbebenta ng paputok at kung sila man ay nagbebenta ng mga ipinagbabawala na paputok.
Tiniyak naman ni Pcapt. Topinio na mas paiigitingin pa nila ang seguridad sa buong Isabela upang masiguro na maging maayos at mapayapa ang pagdiriwang ng pasko sa Lalawigan.