CAUAYAN CITY- Binulabog ng isang bomb threat ang payapa sanang araw sa Isabela State University- Cauayan Campus.
Pasado alas dose ng tanghali ng pauwiin na ang lahat ng mga estudyante ng Pamantasan dahil sa naturang pagbabanta.
Agad na rumesponde ang PNP Cauayan, PNP K9 and EOD Unit para beripikahin ang ulat at suriin ang pasilidad ng Pmantasan, upang mapanatili ang kaligtasan ng lahat ay pinalabas ang mga Guro at Estudyante.
Batay sa initial infromation isa sa mga Staff ng ISU Cauayan ang nakatanggap ng bomb threat na agad nai-coordinate sa Executive Officer ng University.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Jonathan Aquino ang OSAS Director, sinabi niya na 12:30 habang abala sila sa paghahanda para sa mga New Appointed Officials ng ISU-System ng makatanggap sila ng mensahe o email mula sa isang Joseph.
Laman ng email na mayroong bomba sa loob ng gusali sa five story building ng College of Business and Management na nakatakdang sumabog ngayong alas 3 ng hapon.
Agad nilang ipinag utos na ma-evacuate ang area hanggang sa mag desisyon silang i-suspend na ang lahat ng klase at pinauwi na ang mga staff, Guro maging mga estudyante at ang maiiwan na lamang doon ay ang mga otoridad na mag iimbestiga.
Para maiwasan ang panic at stampede dahil sa dami ng mga estudyante ay minabuti nilang hindi sabihin ang bomb threat bagkus inabisuhan na lamang sila na magkakaroon ng ocular inspection ang PNP sa gusali.











