--Ads--

CAUAYAN CITY – Naghahanda na ang pamunuan ng 5th Infantry Division Phil. Army na magpadala ng isang batalyon na sundalo sa Marawi City.

Ito ay para tumulong sa mga sundalo sa pagtugis ng  mga teroristang Maute Terror Group sa Lunsod ng Marawi.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Major General Paul Talay Atal, Commander ng 5th Infantry Division  Phil. Army , naka-standby ang isang batalyon ng mga sundalo ng 5th Infantry Division.

Anya  naghihintay na lamang ng go signal ang tropa ng mga sundalo  upang magtungo na sa Lunsod ng Marawi at tumulong sa pagtugis sa mga terorista.

--Ads--