--Ads--

Hindi umano maikakaila na mahina na ang Santo Papa isang araw bago ito pumanaw.

Ito ang inihayag ni Bombo International News Correspondent Melgrace Cayabyab nang personal niyang makita si Pope Francis sa St. Peter Square sa Vatican City nitong Easter Sunday.

Bagama’t nagawa pa nitong basbasan ang nasa 35,000 na mananampalataya ay hindi ito kasing sigla at kasintagal gaya sa mga nakalipas na pagkakataon na aktibo ito sa pakikisalamuha sa mga tao.

Aniya, maraming mga tao ang nagpunta ng Vatican nang mabalitaan nilang pumanaw na si Pope Francis at iaasahan naman na mas marami pa ang dadagsa kung sakaling magkakaroon ng public viewing sa burol nito.

--Ads--

Nagdadalamhati aniya lahat ng naroroon maging ang mga Pilipino na nasa Italya dahil animo’y sarili nilang Ama ang sumakabilang buhay lalo na at malapit ang mga Pinoy kay Pope Francis.