CAUAYAN CITY- Nasungkit ng isang Propesor sa Isabela ang ika-31 na ranggo sa Top 100 Scientist in the Philippines.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Prof. Edward Panganiban, ika-31 sa top 100 Scientist in the Philippines ng AD Scientific Index at Propesor sa Isabela State University – Echague Campus, sinabi niya hindi niya alam kung papaano siya napabilang sa naturang talaan kaya nagulat nala lamang siya nang makita niya sa social media na siya ay rank 31 sa top 100 scientist sa bansa.
Aniya, matapos niyang malaman ang balita ay nagsaliksik siya hinghil sa AD Scientific Index at nalaman niya ito ay analisys system na sumusuri ng mga Academic Performance ng mga researchers ng mga indibidwal at mga Unibersidad.
Gumagamit aniya sila ng iba’t ibang citation database upang matukoy ang performance ng isang indibidwal at unibersidad pagdating sa Research kung saan sinusuri nito kung gaano kadalas nasa-cite ang isang research outputs at kung gaano kalaki ang academic impact ng isang researcher.
Dahil sa maraming mga research works si Prof. Panganiban na na-publish online ay isa umano ito sa mga naging basehan para sa siya ay mapabilang sa ranking.
Ang kaniyang mga researches ay kinabibilangan ng Smart Agriculture, Urban water and crop management at marami pang iba.
Nagsimula kaniyang pagiging researcher noong 2016 nang mabigyan siya ng Scholarship ng CHED para mag-aral ng Doctorate in Electronics Engineering at itinuloy na nito ang kaniyang pagiging researcher sa ISU kung saan siya nagtarabaho.
Bagama’t kuntento na aniya si Prof. Panganiban sa mga pribelehiyo at suporta na ibinibigay ng ISU sa kanilang mga mananaliksik ay bukas pa rin naman siya sa mga collaborations na makakatulong sa pagpapalawak ng kaniyang kaalaman at magpapalakas sa impact ng kaniyang mga researches.
Sa ngayon ay mayroon na siyang collaboration sa mga researchers ng iban’t ibang Unibersidad sa bansa maging sa ibayong dagat upang malaman ang iba’t ibang mga programa sa komunidad at kung paano ito mabibigyan ng solusyon.
Isa aniyang malaking inspirasyon para sa kaniya na mapabilang sa Top 100 Scientist sa bansa at makatutulong ito para maipagpatuloy niya ang kaniyang adbokasiya sa pananaliksik para makatulong sa mga mag-aaral at sa komunidad.
Bilang isang Researcher at Propesor ay hinihikayat niya ang lahat na huwag lamang maghangad ng personal na tagumpay bagkus ay dapat umanong gamitin ang kagalingan para makatulong sa kapwa.