--Ads--
CAUAYAN CITY – Isang pulis sa Cauayan City ang nasawi sanhi ng Coronavirus Disease (COVID-19).
Ang pulis na miyembro Cauayan City Police station ay 44 anyos, residente ng San Fermin, Cauayan City at nakaranas ng ubo, sipon at lagnat.
Siya ay at isinailalim sa quarantine facility sa Nungnungan 2, Cauayan City.
Dinala siya dakong alas onse kagabi ng Rescue 922 sa isang pribadong ospital matapos na makaranas ng hirap sa paghinga ngunit binawian siya ng buhay dakong alas dose ng hatinggabi.
--Ads--
Isinailalim na sa quarantine ang mga direct contact ng pumanaw na pulis
Una rito ay siyam na miyembro ng Cauayan City Police Station ang nagpositibo sa COVID-19 at isinailalim na sa quarantine.
Isinasagawa na ang contact tracing sa kanilang mga nakasalamuha.





