--Ads--

CAUAYAN CITY- Binuksan na ng National Irrigation Administration-Magat River Integrated Irrigation System o NIA-MARIS ang isang spillway gate na may 1-meter opening dahil sa ulang dala ng shearline.

Sa anging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Carlo Ablan ang Division Manager Dam and Reservoir Division ng NIA-MARIIS, sinabi niya na, binuksan nila ang isang spillway gate na may 1-meter opening para mapanatili ang ligatas na antas ng tubig sa dam.

Aniya inaasahan kasing makakaranas ng heavy to intense rainfall ang Isabela at iba pang bahagi sa Cagayan Valley dahil sa shearline.

Ang kasalukuyang elevation ng dam ay 187.72 meters above sea level na may inflow na 206 cms at outflow na 230 cms.

--Ads--

Ang water realesing ay nakadepende sa mamaging recorded data ng rain guages
Sa Nueva Vizcaya at Ifugao Area.

Ayon kay engr. Ablan bagamat minimal lamang ang pinakawalan nilang tubig ay pinag iingat parin ang publiko malapit sa magat river dahil bahagyang paglakas ng agos ng tubig.