--Ads--

Nagulat ang isang residente sa Daclapan, Cabugao, Ilocos Sur dahil sa kakaibang itsura ng tuta na anak ng kanyang alagang aso.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Ginoong Reden Andres, napansin nila kaagad ang itsura sa pagkapanganak nito dahil sa kakaiba ito.

Aniya tenga at ilong lamang ang makikita sa mukha ng aso at ang ilong nito ay maliit lamang ang butas kaya nahihirapan itong huminga.

Buhay pa naman ito nang isilang ngunit nasawi rin matapos ang isang oras.

--Ads--

Apat ang anak ng kanilang aso at ang pangatlo ang may kakaiba ang itsura.