--Ads--
Naglunsad ng airstrike ang Israeli forces sa Ghobeiri, southern suburbs ng Beirut, Lebanon, at sinabing target nito ang commander ng Hezbollah’s Radwan Force na si Malek Balou, na umano’y napatay sa operasyon.
Kinumpirma ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang pag-atake at sinabing iniutos nila ito bilang tugon sa mga umano’y pag-atake ng Hezbollah sa Israel.
Giit ni Netanyahu, walang teroristang dapat magkaroon ng immunity at magpapatuloy ang kanilang operasyon para sa seguridad ng mga residente sa Northern Israel.
Ito ang unang pag-atake sa southern suburbs ng Beirut mula nang ipatupad ang ceasefire noong Abril 17 sa pagitan ng Israel at Hezbollah.
--Ads--
Wala pang pahayag ang Hezbollah tungkol sa naturang insidente.










