--Ads--
Naglunsad ang Israel ng airstrike sa Nabatieh, timog Lebanon, sa kabila ng kasunduan upang itigil ang labanan noong nakaraang buwan.
Nagsagawa rin ang Israel ng drone attack sa Gaza na ikinasawi ng hindi bababa sa dalawang katao, habang nagprotesta ang mga Palestinian sa Al-Shifa Hospital para sa agarang medical evacuations.Isang apat na buwang gulang na sanggol na Palestinian naman ang namatay sa West Bank matapos na umano’y maantala ang pagdadala sa ospital dahil sa checkpoint ng Israeli military malapit sa Ramallah.











