--Ads--

Patuloy ang pag-atake ng Israel sa Southern Lebanon habang iginiit ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na hindi aalis ang kanilang militar sa mga sinasakop na lugar.

Inakusahan naman ng Hezbollah ang Israel ng pag-target sa mga sibilyang nagbabalik sa kanilang mga tahanan, na ikinasawi ng dalawa at ikinasugat ng isa pa.

Samantala, matapos ang pulong sa Bahrain, sinabi ni US Secretary of State Marco Rubio na tinutulan ng Estados Unidos at ng mga kaalyado nito sa Gulf ang anumang paghihigpit ng Iran sa pagdaan sa Strait of Hormuz. Nagbabala naman ang Islamic Revolutionary Guard Corps ng Iran na kailangan ng pahintulot para makatawid sa mahalagang daluyang-dagat na patuloy na pinagmumulan ng tensyon sa rehiyon.