--Ads--

Ibinahagi ng aktres na si Janine Gutierrez na bagama’t marami na siyang nagampanang magkakaibang karakter sa mga nakalipas na taon, mas nakatuon siya ngayon sa pangarap na makasama sa mga makabuluhang proyekto at international films.

Sinabi ni Janine na wala siyang partikular na dream role ngunit nais niyang makatrabaho ang mga direktor na hinahangaan niya tulad nina Erik Matti at Jerrold Tarog.

Ayon sa aktres, isa sa mga pangarap niya ang maging bahagi ng mga pelikulang Pilipino na naipapalabas sa mga international film festival at global streaming platforms. Binalikan din niya ang kanyang karanasan sa pelikulang Phantosmia ni Lav Diaz na ipinalabas sa Venice International Film Festival noong 2024.

Bukod sa pag-arte, sinabi rin ni Janine na nais niyang pasukin ang produksyon ng mga proyekto sa hinaharap. Isa aniya sa kanyang unang layunin bilang producer ang paggawa ng dokumentaryo tungkol sa kanyang lola na si Pilita Corrales.

--Ads--