--Ads--
Bibida sa international indie film ang Filipina actress na si Jasmine Curtis-Smith matapos siyang mapabilang sa cast ng romantic comedy na “We Could Be in Love.”
Ididirect ito ng Filipina filmmaker na si Marie Jamora at kukunan sa New York at Pilipinas. Makakasama ni Jasmine ang singer-songwriter na si Yao, na gaganap bilang kanyang love interest.
Gagampanan ni Jasmine ang isang working-class Filipina-American woman na maiinlove sa tagapagmana ng isang Chinese-Filipino dynasty.
Kasama rin sa pelikula sina Jamie Chung, Lou Diamond Phillips, Tamlyn Tomita at Jujubee. Nasa development stage pa ang pelikula at wala pang inilalabas na detalye sa petsa ng pagpapalabas.
--Ads--






