--Ads--

CAUAYAN CITY- Bago matapos ang buwan ng hulyo mauumpisahang maipatupad ang modernized jeep sa region 2.

Ito ay matapos maumpisahan na sa Metro Manila at nag-iikot na ang mga modernong jeep sa Pasay City pangunahin sa Mall of Asia at PICC.

Sa naging panayam ng bombo radyo cauayan, sinabi ni Regional Director Nashrudin Talipasan, ng LTFRB region 2 na ang kauna-unahang pagpapatupad ng modernized jeep Pasay City ay sinaksihan ni DOTR Undersecretary Tim Orbos, ang chairman ng LTFRB at mga regional directors kasabay ng ika-31 anibersaryo ng LTFRB.

Sa region 2 aniya ay 50 units ng makabagong jeep ang patatakbuhin.

--Ads--

Binigyan ng karapatan na maglakbay sa mga walang pang umiiral na ruta ngunit marami ang pangangailangan ng mga pampublikong sasakyan.

Tatlo ang ibinigay ng board ng LTFRB sa region 2 batay sa kahilingan ng publiko sa pamamagitan ng mga transport cooperative.

Kabilang dito ang mining areas sa Didipidio, Kasibu, Nueva Vizcaya papuntang Santiago City at Sidipio papuntang bayan ng Solano at Solano patungong Santiago City, habang mayroong ding biyaheng Santiago City to Minuri, Jones, Isabela na walang nagseserbisyong sasakyan matapos itinigil ng mga bus ang pagbiyahe sa mga nabanggit na lugar.

Nakapag-order na aniya ang mga kooperatiba at grupo ng mga transport operators sa mga kompanyang bibilhan ng sasakyan.