--Ads--
Maglalabas ng bagong EP na “Jen Deluxe” ang aktres at singer na si Jennylyn Mercado ngayong Biyernes, Agosto 21, sa iba’t ibang digital streaming platforms.
Tampok sa bagong EP ang iba’t ibang genre ng musika, kabilang ang dance songs, awiting para sa Gen Z, at mga love song.
Sinabi ni Mercado na hindi siya tuluyang nawala sa music industry at pansamantala lamang nagpahinga dahil naging abala sa mga proyekto sa telebisyon at pelikula, gayundin sa kanyang pamilya.
Tatlong taon umanong binuo ang album, kung saan naging matiyaga ang Star Music sa paghihintay hanggang sa matapos ang proyekto.
--Ads--
Nakipagtulungan din si Mercado kay Direktor Irene Villamayor para sa short film na bahagi ng “Jen Deluxe.”





