--Ads--
Emosyonal na inalala ni Jerry Yan ang pumanaw na si Barbie Hsu sa Forever 1st World Tour concert sa Philippine Arena sa Bulacan nitong Hunyo 27, 2026.
Suot ni Jerry ang iconic na Meteor necklace mula sa Meteor Garden at nagbahagi ng mensahe tungkol sa pag-ibig, alaala, at pagkawala bago awitin ang kanyang kantang I Really, Really Love You.
Bagama’t hindi niya pinangalanan si Barbie, marami sa mga tagahanga ang naniniwalang para sa kanya ang mensahe ni Jerry.
Pumanaw si Barbie Hsu dahil sa pneumonia sa edad na 48 noong Pebrero 2, 2025, habang nagbabakasyon sa Japan.
--Ads--





