--Ads--

Sanib puwersa na ang mga awtoridad sa paghahanap sa 25-anyos na trainee na si Patrolman Aaron L. Blas, na nawala habang isinasagawa ang isang land navigation exercise sa kabundukan ng Philex Mines, Barangay Ampucao, noong Hulyo 14.

Si Pat. Blas ay residente ng San Gregorio, Luna, Apayao, ay nakatalaga sa First Provincial Mobile Force Company (PMFC) ng naturang probinsya.

Huling namataan si Blas bandang 5:30 ng hapon sa Zigzag Dam 2 sa loob ng Philex Mines bilang bahagi ng pagsasanay sa PNP Basic Internal Security Operations Course (BISOC), na nakatuon sa mga internal security threats.

Ayon sa mga awtoridad, nagsimula ang training alas 6 ng umaga, ngunit nabigong makabalik si Blas sa headcount ng alas 3 ng hapon.

--Ads--

Noong Hulyo 22, naglabas ng pahayag ang Itogon Municipal Police Station na nagsimula na ng malawakang search, rescue, and retrieval operations para sa nawawalang trainee.

Kabilang sa mga tumutugon sa operasyon ang Police Regional Office – Cordillera, Regional Special Training Unit – CAR,Benguet PPO,Explosive Ordnance Disposal Unit,RMFB 15, Bureau of Fire Protection – Itogon,Itogon MDRRMO,Philex Mining Corp. at mga Opisyal ng Barangay Ampucao.

Para sa mga may impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa Itogon MPS sa mga numero 0998-598-7785 Pamilya ni Blas – 0977-636-2197, 0945-135-5938, 0915-813-6488, 0975-307-1322, o 0956-577-6934.