Nagpahayag ng pagkadismaya ang OPM icon na si Jose Mari Chan dahil umano’y hindi na siya nakakatanggap ng royalty earnings mula sa mga kantang kanyang isinulat.
Sa media conference para sa kanyang concert, sinabi ng singer ng “Christmas in Our Hearts” na wala na siyang natatanggap na royalties mula sa mga recording companies.
Ayon sa kanya, mas ikinadidismaya niya ang sitwasyon para sa mga batang songwriter sa bansa dahil sa limitadong kita na maaaring makuha sa musika.
Sinabi rin niya na kailangan pa niyang makipag-ugnayan sa mga record label para magtanong tungkol sa kanyang royalties.
Gayunman, sinabi ng OPM legend na masaya pa rin siya na bahagi ng buhay ng mga tao ang kanyang mga kanta, at itinuturing itong mas mahalaga kaysa sa anumang kita.
Idinagdag din niya na patuloy siyang aktibo sa pagsusulat ng jingles, trabaho sa corporate, at pakikipagtambal sa mga bagong artist sa kanyang upcoming concert sa July 11 sa PICC Plenary Hall sa Pasay City.





