--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinalaya na sa pangangalaga ng Cauayan City Police Station ang barangay kagawad matapos maibasura ang kasong frustrated murder .

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo radyo Cauayan sa himpilan ng pulisya hindi na umano interesadong magsampa ng kaso ang biktimang si Joel Fabros, 2y anyos laban kay Barangay Kagawad Joseph Estrada, kapwa residente ng Pinoma, Cauayan City

Magugunitang nagsampa ng kaso ang Cauayan City Police Station laban kay Estrada matapos barilin sa hita si Fabros subalit nagkasundo ang magkabilang panig na hindi na itutuloy ang kaso.

Kaakibat ng kanilang kasunduan ang pagbalikat ng Barangay Kagawad sa lahat gastusin ni Fabros sa pagpapagamot sa isang pribadong ospital maliban pa sa dalawampong libong pisong para sa civil case.

--Ads--

Sa pamamagitan ng affidavit of desistance ay iniurong ni Fabros ang kaso laban sa barangay kagawad.

Magugunitang ang biktima ay binaril ng pinaghihinalaan matapos hindi maawat sa maingay nitong motorsiklo.