--Ads--

Naibenta sa halagang $150,000 (mahigit P8 milyon) ang isang first-generation Labubu figure sa Yongle International Auction House sa Hong Kong.

Ang mint green, 51-pulgada na figurine, na may gremlin-like appearance, ay kabilang sa 48 Labubu figures na inilagay sa auction.

Ang Labubu, isang sikat na plush toy sa buong mundo, ay likha ng Hong Kong-born illustrator na si Kasing Lung at ibinebenta ng Chinese toy company na Pop Mart.

Bukod sa pinakamahal na Labubu figure, isang kulay brown na 63-pulgada ang naibenta sa halagang $114,086 (mahigit P6 milyon).

--Ads--