CAUAYAN CITY – Mas mahigpit at istrikto ang isasagawang recruitment para sa mga aplikante na nais maging kasapi ng PNP.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Chief Supt. Rhodel Sermonia, ang Director ng Police-Community Relations Group ng PNP, patuloy ang kanilang recruitment upang mabuo ang limang libong pulis na qouta ng PNP ngayong taon.
Maliban umano sa pagtaas ng sahod n ay nais din n Pangulong Rodrigo Duterte na magdagdagan ang bilang ng mga pulis na maglilingkod sa publiko.
Gayunpaman, giit ng naturang opisyal na bagama’t nangangailangan sila ng karagdagang pulis subalit hindi ito nanganganhulugan na lahat ay makakapasa.
Magiging mahigpit umano sila sa isasagawang background investigation para sa nais bagong pulis nang hindi mahaluhan ng mga scalawags at maiwasan ang anumang kontrobersiya.




