--Ads--

CAUAYAN CITY – Binisita ni kalihim Roy Cimatu ng DENR ang Build Back Better Program sa bahagi ng Cagayan River kahapon kasabay ng pagdiriwang ng Arbor Day.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Executive Director Gwendolyn Bambalan ng DENR Region 2, nagtungo ang kalihim sa Brgy Bangag, Lal-lo, Cagayan kasama si Kalihim Mark Villar ng DENR  upang makita kung ano na ang sitwasyon sa pagtatanggal sa mga sandbars upang lumapad na ang daraanan ng tubig sa bahagi ng Magapit.

Ayon sa DPWH nasa 80% na ang tapos sa kanilang target na cubic meters ng sandbars na kailangang tanggalin sa nasabing ilog at inaasahang matatapos ito sa katapusan ng Hulyo kung maganda ang panahon o hindi umuulan ng malakas.

Pagkatapos ay nagtungo ang kalihim sa Camalaniugan para naman sa ground breaking ceremony sa isang tulay na nagkokonekta sa Camaliugan at western part ng Aparri.

--Ads--

Bumalik ang kalihim sa Aparri para naman sa kick off o pagsisimula ng dredging ng mga pribadong kompanya sa bukana ng Cagayan River.

Samantala kasabay ng pagdiriwang ng Arbor Day ay nagsagawa naman ang DENR Region 2 ng mga tree planting activities sa tabing dagat ng Aparri at ang kanilang itinanim ay mga puno ng Bitaog at Talisay.

Nakatakda rin ang pagtatanim ng puno ng kawayan sa tabi ng Cagayan River upang makatulong na maibsan ang nararanasang baha kapag panahon ng tag ulan.

Muli namang hinikayat ng ahensya ang publiko na magtanim ng mga puno sa mga bakanteng lote at tiniyak na sila ay magbibigay ng libreng seedlings basta magtungo lamang ang mga ito sa kanilang tanggapan.

Ang bahagi ng pahayag ni Regional Executive Director Gwendolyn Bambalan.