--Ads--

Patay ang kambal na lalaki matapos maaksidente sa Munguia, Dupax del Norte, Nueva Vizcaya.

Ang mga biktima ay labing anim na taong gulang, residente ng Bitnong, Dupax del Norte.  

Ayon kay Ginoong Armando Balagat, ama ng mga biktima umuwi ang kanyang mga anak upang kumuha ng mga beans at sayote na babaunin sana para sa sports competition.

Nagmomotor ang mga biktima dahil malayo ang kanilang paaralan na nasa Brgy. Munguia at walang pampasaherong mga sasakyan kanilang lugar.

--Ads--

Pabalik na sana ang mga ito sa paaralan nang maganap ang aksidente.

Paliko na sana ang van patungong kaliwa nang maganap ang banggaan. Matapos ang aksidente ay tumakas ang tsuper ng van at iniwan ang sasakyan nito.

Naisugod naman ang mga biktima sa hospital subalit parehong hindi na nailigtas ang mga ito sa tindi ng sugat sa ulo at katawan.

Hiling ngayon ng ama ng mga biktima na sumuko ang tsuper ng van upang mabigyan ng hustisya ang mga anak.