CAUAYAN CITY – Umaasa ang pamahalaang lunsod na mag patuloy ang pagbaba ng kaso ng teenage pregnancy sa Ilagan Cuty .
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Gender and Development Spokesman Peterson Patriarca, umabot sa 5 percent ang pagbawas sa kaso ng teenage pregnancy dahil sa pinaigting na kampanya nito sa mga barangay, paaralan at magulang.
Patuloy ang paggawa ng hakbang ng pamahalaang lokal upang patuloy na bumaba ang kaso nito.
Samantala, handa naman ang Grade 12 student na si Calimar Duarte , Student leader ng San Rafael National High School na maging bahagi sa pinaigting na kampaniya kontra teenage pregnancy.
Naniniwala rin siya na kinakailangang unahin muna ang pag-aaral upang maging makatotohanan ang kilalang kasabihan ng bayaning si Dr. Jose Rizal na “ang kabataan ang pag-asa ng bayan”.




