--Ads--

CAUAYAN CITY– Matagumpay na nakubkob ng tropa ng 84th Infantry Victorious Battalion ng 7th Infantry Division Philippine Army ang kampo ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa boundary ng Dupax del Sur at Alfonso Castanieda, Nueva Vizcaya.

Tinatayang 30 miyembro ng NPA ang nakasagupa kahapon ng mga sundalo sa nasabing lugar hanggang sa umatras ang mga rebelde.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Lt. Col. Honorato Pascual, Commander ng 84th Infantry Battalion na habang nagsasagawa sila ng hot pursuit operation sa mga rebelde ay natuklasan nila ang kampo ng mga rebelde.

Ang kampo sa boundary ng dalawang bayan sa Nueva Vizcaya ay kaya umanong mag-accommodate ng dalawampo hanggang tatlumpong tao.

--Ads--