--Ads--
Humirit ang kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) na alisin sa kaso ang tatlong abogado ng mga biktima, dahil umano sa posibleng conflict of interest at mga hadlang sa maayos na representasyon.
Sa isang pampublikong redacted filing na may petsang Pebrero 11, hiniling ng depensa ang pag-disqualify kina Atty. Joel Butuyan, Atty. Gilbert Andres, at case manager Nicolene Arcaina, iginiit na ang kanilang patuloy na partisipasyon ay maaaring makaapekto sa pagiging patas at integridad ng proseso.
Hinimok din ng kampo ni Duterte ang Pre-Trial Chamber na pansamantalang suspendihin ang access ng tatlo sa mga rekord ng kaso habang dinidinig ang kanilang mosyon.








