--Ads--

Tumanggi ang kampo ni Vice President Sara Duterte sa paratang na kinokopya umano nila ang listahan ng mga testigo ng House prosecution panel para sa nalalapit na impeachment trial.

Ayon kay Atty. Michael Poa, halos sabay na naisumite ng depensa at prosekusyon ang kanilang pre-trial briefs noong Hunyo 15, kaya hindi tama ang terminong “mirroring” o pagkopya.

Iginiit ng kampo ng bise presidente na nasa karapatan ng magkabilang panig ang pumili ng kanilang mga testigo at ebidensya, kaya wala umanong isyu rito.

Sa pre-trial brief ng depensa, kabilang bilang testigo si dating Senador Antonio Trillanes IV at Ramil Madriaga upang kontrahin ang mga paratang sa impeachment complaint.

--Ads--

Sinabi rin ng kampo ni Duterte na maayos at maayos ang takbo ng pre-trial conference at inaasahang maaaring tumagal pa ang proseso dahil sa dami ng dokumento.