CAUAYAN CITY- Dumulog sa himpilan ng Bombo Radyo Cauayan ang isang Ginang para ipanawagan ang kaniyang kapatid na si Maria Flor De Liza Carag Andres, Grade 11 na ilang araw ng nawawala.
Ayon kay Kristina Tuppil Andres December 26 nagpaalam si Flor De Liza na makiki binyag sa Barangay San Fermin partikular sa bahay ng isang Mj at dapat ay uuwi rin kina-hapunan subalit hindi na umano ito nakauwi.
Aniya, dahil sa ilang araw na itong hindi umuuwi ay labis na silang nag-aalala kaya nagpunta na sila sa Barangay San Femrin para hanapin ang taong pinuntahan ni Flor subalit batay sa mga opisyal ng Barangay ay walang indibiduwal na nag ngangalang Mj sa kanilang nasasakupan.
Ito ang unang pagkakataon na umalis si Flor at hindi umuwi.
Nanawagan siya sa sino mang nakakita sa kaniyang Kapatid na agad makipag ugnayan sa kanila para agad na matukoy ang kinaroroonan nito.
Si Maria Flor De Liza Carag Andres ay huling nakitang nakasuot ng puting t-shirt at kulay pink na bulaklakan na shorts.