--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang animnapot anim na taong gulang na tsuper ng isang Ford Everest habang ginagamot sa pagamutan matapos masangkot sa aksidente sa barangay Raniag, Ramon,Isabela.

Ang namatay ay si Jose Benigno Jr. 66 anyos, isang kapitan ng barko at residente barangay Poblacion, Mayoyao, Ifugao.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Ramon police Station, patungo umano sa direksyon ng Santiago City ang biktima nang masangkot siya sa aksidente.

Sa pagsisiyasat ng PNP Ramon, isang isuzu dump truck na minamaneho ni Jay Fernandez, 37 anyos, residente ng Mabini, Santiago City ang nakabanggaan umano ng minamanehong sasakyan ni Benigno.

--Ads--

Napunta umano sa linya ng truck ang minamaneho ng biktima kung kayat nagkaroon ng banggaan.

Agad dinala ang biktima sa pagamutan sa Santiago City subalit binawian din siya ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

Dahil dito nag-paalala ang Ramon Police Station sa mga motorista na mag-ingat sa kanilang pagmamaneho.