--Ads--

Nakatakdang magbukas ng karagdagag spillway gate ng Magat Dam ang National Irrigation Administration – Magat River integrated Irrigation System (NIA-MARIIS).

As of 8:am ngayong umaga ay mayroon nang nakabukas na apat na spillway gate nito na may kabuuang sampung metrong opening subalit dahil sa dami ng mga ulang ibinagsak ng bagyong Uwan sa magat watershed ay kinakailangang buksan ang lahat ng pitong gates nito.

Umabot na kasi sa 11713.71 cubic meters per second ang ang inflow o ang pumapasok na tubig sa dam na maituturing na pinakamataas na naitalang inflow simula nang maitayo ang Magat Dam.

Sa kabila ng mataas na inflow ay umaabot lamang ng 1, 416.94 ang outflow o ang pinapakawalang tubig sa dam kaya’t kinakailangan itong dagdgaan upang ma-accommodate ng dam ang mga bumabagsak na tubig-ulan sa watershed.

--Ads--

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Carlo Ablan, Division Manager ng Dam and Reservoir Division, nilinaw niya na unti-unti ang gagawin nilang pagbubukas

Mamayang 2:30 ng hapon ay inaasahang mabubuksan na ang pitong gate ng dam na may tig-aapat na metrong opening.

Maaari naman itong magdulot ng kalahati hanggang isang metrong opening sa Cagayan, River.