--Ads--

Nagsimula na ang cut off o hindi pagpapakawala ng tubig ng National Irrigation Administration – Magat River Integrated Irrigation System (NIA-MARIIS) sa Magat Dam.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Carlo Ablan, Division Manager ng Dam and Reservoir Division, sinabi niya na ito ay upang maisagawa ang annual preventive measures maintenance dam at makapag-ipon pa ng tubig lalo na’t bibihira na lamang ang mga pag-ulan ngayon sa Magat reservoir.

Dakong alas-dose ng madaling araw nitong Lunes ay nasa 170.85 meters above sea level na ang antas ng tubig sa dam.

Batay sa tentative schedule, ang cut off sa patubig ay matagagal hanggang May 15 bago magpakawala muli ng tubig ang NIA-MARIIS para sa wet cropping season.

--Ads--

Ayon Engr. Ablan, batay sa pagtaya ay magiging sapat naman ang naimbak na tubig sa dam para sa susunod na taniman.

Samantala, pinalalawak naman ngayon ang nasasakupang area ng NIA-MARIIS pangunahin na sa mga hindi naaabot ng tubig ng Magat Dam.