CAUAYAN CITY– Karamihan ng mga kababaihang nagsasampa ng kaso laban sa kanilang mga asawang mapang-abuso ay iniuurong ang kaso.
Iniuurong ng karamihang kababaihan ang sinasampang paglabag sa Republic Act 9262 ( Anti- Violence Agianst Women And Thier Children).
Sa talaan ng Cauayan City Police Station ngayong taon ay mayroong 24 na isinampang kaso ng paglabag sa Republic Act 9262 ngunit 9 lamang ang nagpatuloy.
Ilan lamang sa dahilan ng mga nag-uurong ng kaso ay para mapanatiling buo ang pamilya habang ang ilan ay napapakiusapan o naaawa ang ginang sa asawang nakakulong.
Subalit sa kasong Acts of Lascivousness, panggagahasa, Adultery o Cuncubinage ay mas maraming naipagpapatuloy na kaso.
Ayon kay Police Senior Inspector Essem Galiza ng Women and Children Protection Desk, mayroong programa ang Cauayan City Police Station na tumutulong sa mga kababaihan upang magkaroon ng kaalaman sa mga dapat gawin kapag sila ay inaabuso.
Magkakaroon din sila ng seminar sa mga paaralan upang bigyang kaalaman ang mga kababaihang mag-aaral na pangalagaan ang kanilang karapatan.




